nang ikaw ay maluklok asa koy ginhawa na ang buhay
ngunit di nagtagal lumabas din ang tunay na kulay
ang statement mo sa sona ampaw lang purely rhetoric
pati tatlong paslit don sa payatas ay ginamit
japanese sphinx kawangis mo pag nag speech
laging pacute bokya nay lagi pang humihirit
g.i. baby bye bye dont tell a lie
tuta ka ni uncle sam at wag ka ng magdedeny
sigaw ng manggagawa para sa dagdag na sahod
125 at 3000 accross the board
kahit kelan makatarungan ngunit ang yong sagot
anti labor daw ito, investors matuturn off
ok ka lang sa pagtaas ng presyo ng langis
kuryentet tubig tuition fees, basic neccessities
im not so glad, i am so mad
bulok na sistemay ilalantad
tuta!!!
ikaw ikaw pala ang pinakatutang pangulo
sabi mo kailan lang
ina ka ng bayan
itoy sadyang kayhirap na paniwalaan
saan nga bang hahantong ang kasaysayang ito
binigyang pagkakataon pero kamiy ginago mo
katulad din ni erap di ka makakarecover
kahit anong gawin bistado na wala ng cover
ang presyo ng langis walang tigil ang pagtaas
singil sa kuryente maging sa tubig kaytaas
tuition fee increase sa school
meron daw syang pabahay
pero tuloy ang demolition
giba giba ang aming bahay
lupa ng magsasakay pilit na kinoconvert
lahat ng magtanggol kanyang ineexterminate
militarization doon sa countryside
displaced ang katutubo all over nation wide
pinapasok mo mga kano na mananakop
nagngingitngit kami sa US troops na mga salot
abu sayyaf rapper daw at di pinoy ang umayaw
pero sigaw ng lahat US troops out now
ikaw ikaw pala ang pinakatutang pangulo
sabi mo kailan lang
ina ka ng bayan
itoy sadyang kayhirap na paniwalaan
pilit mong pinapakita na ikay isang ina
pero kinukunsinti mo pakialamero mong asawa
imf world bank- wto
sunod sunuran ka sa kanila
tuta
sa yong mga batas
di ako makakapayag
pilit mong binabago ang araw ng paggawa
at ang 4 day work week
para ba saan
kundi sa manggagawa ay magpapahirap lang
mayat maya sa television kung ikaw ay lumabas
para mambola ka sa iyong mga patalastas
abot tenga ang ngiti
mukha ay maamo
plastik
ikaw pa rin ang pinakatutang pangulo
sobra na tama na
dapat ka ng patalsikin
tutang pangulo ay di dapat pagtagalin
sitwasyoy parang bulkang isang araw ay sasabog
sa year 2004 di ka na aabot
ikaw ikaw pala ang pinakatutang pangulo
sabi mo kailan lang
ina ka ng bayan
itoy sadyang kayhirap na paniwalaan
ikaw ikaw pala ang pinakatutang pangulo
sabi mo kailan lang
ina ka ng bayan
itoy sadyang kayhirap na paniwalaan
No comments:
Post a Comment