Friday, October 21, 2011

Luha'y Pawiin

Luha'y pawiin na inang Pilipinas
pagkat sa bukirin ngayoy namamalas
mamayang pilit ginupo ng dahas
pawang nakatindig at may hawak na armas
ang mga pasakit pilit na kinakalas
mapagsamantalay alisan ng lakas

Dugong magsasakang dati'y idinilig
sa yong larangan daloy pa ay dinig
sa panahong ito'y nagsisilbing bisig
ng mga manggagawang siya ngayong may tinig
sa bagong kilusan sa buong daigdig
na siyang magpapatid ng kadena sa bisig

Masdan mo ang parang sa yong paligid
lahat ay nariyan anak mo ang papatid
sa kawing ng imperyalistang ganid
hanggang ang demokrasyay maitayo ng tuwid

Wag ka nang malumbay inang pilipinas
kahit na may ilang anak kang malagas
moog nating bakal na kubling likuran
ang mga bukirin ay isang katiyakan

Uring mapang api'y ating maibabagsak
at mailalatag ang mapulang bukas

Masdan mo ang parang sa yong paligid
lahat ay nariyan anak mo ang papatid
sa kawing ng imperyalistang ganid
hanggang ang demokrasyay maitayo ng tuwid

Wag ka nang malumbay inang pilipinas
kahit na may ilang anak kang malagas
moog nating bakal na kubling likuran
ang mga bukirin ay isang katiyakan

Uring mapang api'y ating maibabagsak
at mailalatag ang mapulang bukas.

No comments:

Post a Comment