kayong sa gabit araw
ay laging nagpapagal
kayong sa bawat oras
yaman ang iniluluwal
bumubuhay sa puhunan
at sistemang sa inyoy nagsakdal
sa hukuman ng mayaman
hinatulang tamad at hangal
kayong pinarusahang maapi habang buhay
magsilbi at pakainin at bigyan ng karangyaan
parasitikong naghahari sa lipunang kinasadlakan
ng yong uri na ang sala manggagawa ng isinilang.
ito ay hindi kapalarang sinabi ng hari at paham
hindi kapalaran, hindi rin pagsubok
na sinasabi ng simbahan
ito ay isang kalagayang sinadyang sa inyo ay gawin
na dapat wasakin at dapat baguhin
ito ang inyong tungkulin
wala nang aasahang katarungang daratal
hanggat sa ating batas
ang salapiy mas matimbang
sa dangal at katwiran
at sa buhay nyot karapatan
na malaon nang niyurakan ng panginoong may kapital
ito ay hindi kapalarang sinabi ng hari at paham
hindi kapalaran, hindi rin pagsubok
na sinasabi ng simbahan
ito ay isang kalagayang sinadyang sa inyo ay gawin
na dapat wasakin at dapat baguhin
ito ang inyong tungkulin2x
makasaysayang tungkulin!
No comments:
Post a Comment