tayo na manggagawang pangkultura
tayo na sa hanay ng masa
sarili ay pandayin
sining moy likhain
sa gitna ng pakikibaka
bawat hagod ng pinsel
sa landas ng buhay
ang bukas ay gawing makulay
tapang at kagitingan
ng mga mamamayan
ay ating isalarawan
ang gitaray tugtugin
mga tinig ay lakasan
gisingin ang aping bayan
at ating pasiglahin ang pakikidigma
sa awit ng paglaya
tayo na manggagawang pangkultura
tayo na sa hanay ng masa
sarili ay pandayin
sining moy likhain
sa gitna ng pakikibaka
ang panulat ay sulu
na tanglaw sa dilim
pagsilbihing gabay natin
sa kuwento at tula
ay bigyang halaga
manggagawat magsasaka
ang pag arte at sayaw
mga kilos at galaw
halawin sa karanasan
sa pangalan ng digma
bawat tunggalian
ng uriy pag aralan
tayo na manggagawang pangkultura
tayo na sa hanay ng masa
sarili ay pandayin
sining moy likhain
sa gitna ng pakikibaka
sarili ay pandayin
sining moy likhain
sa gitna ng pakikibaka
No comments:
Post a Comment