sindihan nating muli
ang sulu ng karunungan
muling pag alabin ang diwa ng himagsikan
apoy ng mga larangan ay paglagablabin
itoy dakilang hamon
paninindigan natin
sa lupang ito
ating madarama
nagngangalit na init ng pakikibaka
apoy na nagdadalit
na pilit tinumba
ang buhos ng ulan
ito ang pag asa
saan mang magtungoy
may gapok ang masa
kailangan laging gatungan
ang natirang pag asa
ang naiwang baga ay pagliyabin
itoy dakilang hamon
sindihan nating muli ang sulu ng karunungan
muling pag alabin ang diwa ng himagsikan
apoy ng mga larangan ay paglagablabin
itoy dakilang hamon
paninindigan natin
at kung muling bubuhos ang ulan
at ang ating suloy tangkaing sumpungan
ang dampa ng masa ang ating kanlungan
apoy sa kanyang pusoy ating kailangan
at sa paglipas ng buhos ng ulan
ating mamasdan ang mga larangan
malayang sisikat ang araw sa silangan
wala nang hahadlang sa kalayaan
sindihan nating muli ang sulu ng karunungan
muling pag alabin ang diwa ng himagsikan
apoy ng mga larangan ay paglagablabin
itoy dakilang hamon
paninindigan natin
itoy dakilang hamon
paninindigan natin
No comments:
Post a Comment