pinagtagpo tayo ng hirap at dusa
sa isang panahon ng pagsisimula
pinagbuklod tayo ng pagsasamantala
at ng mithiing lumaya
ang bawat pagsubok ay ating sinuong
sa bawat labanan ay laging pasulong
tayong manggagaway magkakapit bisig
sa iisang kilusay tumindig
100 taon ng dakilang pagkakaisa
100 taon mabuhay ang pakikibaka
100 taon ng ating kilusang paggawa
100 taon sa pananagumpay ng digma
pinapanday tayo ng mga tunggalian
lalong pinatatag ng mahabang karanasan
lakas natin ay mapagpalayang kilusan
na hahawak ng kapangyarihan
at ating kasamay mga magbubukid
at ang sambayanang hindi madadaig
dudurugin natin imperialistang ganid
hanggang ang tanikalay mapatid
100 taon ng dakilang pagkakaisa
100 taon mabuhay ang pakikibaka
100 taon ng ating kilusang paggawa
100 taon sa pananagumpay ng digma
100 mabuhay ang manggagawa3x
Friday, October 21, 2011
s2pid president
nang ikaw ay maluklok asa koy ginhawa na ang buhay
ngunit di nagtagal lumabas din ang tunay na kulay
ang statement mo sa sona ampaw lang purely rhetoric
pati tatlong paslit don sa payatas ay ginamit
japanese sphinx kawangis mo pag nag speech
laging pacute bokya nay lagi pang humihirit
g.i. baby bye bye dont tell a lie
tuta ka ni uncle sam at wag ka ng magdedeny
sigaw ng manggagawa para sa dagdag na sahod
125 at 3000 accross the board
kahit kelan makatarungan ngunit ang yong sagot
anti labor daw ito, investors matuturn off
ok ka lang sa pagtaas ng presyo ng langis
kuryentet tubig tuition fees, basic neccessities
im not so glad, i am so mad
bulok na sistemay ilalantad
tuta!!!
ikaw ikaw pala ang pinakatutang pangulo
sabi mo kailan lang
ina ka ng bayan
itoy sadyang kayhirap na paniwalaan
saan nga bang hahantong ang kasaysayang ito
binigyang pagkakataon pero kamiy ginago mo
katulad din ni erap di ka makakarecover
kahit anong gawin bistado na wala ng cover
ang presyo ng langis walang tigil ang pagtaas
singil sa kuryente maging sa tubig kaytaas
tuition fee increase sa school
meron daw syang pabahay
pero tuloy ang demolition
giba giba ang aming bahay
lupa ng magsasakay pilit na kinoconvert
lahat ng magtanggol kanyang ineexterminate
militarization doon sa countryside
displaced ang katutubo all over nation wide
pinapasok mo mga kano na mananakop
nagngingitngit kami sa US troops na mga salot
abu sayyaf rapper daw at di pinoy ang umayaw
pero sigaw ng lahat US troops out now
ikaw ikaw pala ang pinakatutang pangulo
sabi mo kailan lang
ina ka ng bayan
itoy sadyang kayhirap na paniwalaan
pilit mong pinapakita na ikay isang ina
pero kinukunsinti mo pakialamero mong asawa
imf world bank- wto
sunod sunuran ka sa kanila
tuta
sa yong mga batas
di ako makakapayag
pilit mong binabago ang araw ng paggawa
at ang 4 day work week
para ba saan
kundi sa manggagawa ay magpapahirap lang
mayat maya sa television kung ikaw ay lumabas
para mambola ka sa iyong mga patalastas
abot tenga ang ngiti
mukha ay maamo
plastik
ikaw pa rin ang pinakatutang pangulo
sobra na tama na
dapat ka ng patalsikin
tutang pangulo ay di dapat pagtagalin
sitwasyoy parang bulkang isang araw ay sasabog
sa year 2004 di ka na aabot
ikaw ikaw pala ang pinakatutang pangulo
sabi mo kailan lang
ina ka ng bayan
itoy sadyang kayhirap na paniwalaan
ikaw ikaw pala ang pinakatutang pangulo
sabi mo kailan lang
ina ka ng bayan
itoy sadyang kayhirap na paniwalaan
ngunit di nagtagal lumabas din ang tunay na kulay
ang statement mo sa sona ampaw lang purely rhetoric
pati tatlong paslit don sa payatas ay ginamit
japanese sphinx kawangis mo pag nag speech
laging pacute bokya nay lagi pang humihirit
g.i. baby bye bye dont tell a lie
tuta ka ni uncle sam at wag ka ng magdedeny
sigaw ng manggagawa para sa dagdag na sahod
125 at 3000 accross the board
kahit kelan makatarungan ngunit ang yong sagot
anti labor daw ito, investors matuturn off
ok ka lang sa pagtaas ng presyo ng langis
kuryentet tubig tuition fees, basic neccessities
im not so glad, i am so mad
bulok na sistemay ilalantad
tuta!!!
ikaw ikaw pala ang pinakatutang pangulo
sabi mo kailan lang
ina ka ng bayan
itoy sadyang kayhirap na paniwalaan
saan nga bang hahantong ang kasaysayang ito
binigyang pagkakataon pero kamiy ginago mo
katulad din ni erap di ka makakarecover
kahit anong gawin bistado na wala ng cover
ang presyo ng langis walang tigil ang pagtaas
singil sa kuryente maging sa tubig kaytaas
tuition fee increase sa school
meron daw syang pabahay
pero tuloy ang demolition
giba giba ang aming bahay
lupa ng magsasakay pilit na kinoconvert
lahat ng magtanggol kanyang ineexterminate
militarization doon sa countryside
displaced ang katutubo all over nation wide
pinapasok mo mga kano na mananakop
nagngingitngit kami sa US troops na mga salot
abu sayyaf rapper daw at di pinoy ang umayaw
pero sigaw ng lahat US troops out now
ikaw ikaw pala ang pinakatutang pangulo
sabi mo kailan lang
ina ka ng bayan
itoy sadyang kayhirap na paniwalaan
pilit mong pinapakita na ikay isang ina
pero kinukunsinti mo pakialamero mong asawa
imf world bank- wto
sunod sunuran ka sa kanila
tuta
sa yong mga batas
di ako makakapayag
pilit mong binabago ang araw ng paggawa
at ang 4 day work week
para ba saan
kundi sa manggagawa ay magpapahirap lang
mayat maya sa television kung ikaw ay lumabas
para mambola ka sa iyong mga patalastas
abot tenga ang ngiti
mukha ay maamo
plastik
ikaw pa rin ang pinakatutang pangulo
sobra na tama na
dapat ka ng patalsikin
tutang pangulo ay di dapat pagtagalin
sitwasyoy parang bulkang isang araw ay sasabog
sa year 2004 di ka na aabot
ikaw ikaw pala ang pinakatutang pangulo
sabi mo kailan lang
ina ka ng bayan
itoy sadyang kayhirap na paniwalaan
ikaw ikaw pala ang pinakatutang pangulo
sabi mo kailan lang
ina ka ng bayan
itoy sadyang kayhirap na paniwalaan
ereje
dahil si erap ay corrupt
bayay nagkaisang patalsikin ang pangulo sa pwesto
sa tindi ng protesta napilitan ang kongreso at nilitis ng senado
bumuhos ang mga protesta pinatalsik si estrada
at si gloria'y instant presidente
pinaasa sambayanan mula sa hirap ng buhay
magkakaroon ng pagbabagot giginhawa
ngunit masa'y walang glorya nagdurusa
masa'y galit na galit
galit sa inutil na pangulong gloria
gobyernong kahirapan
ang sa bayay hatid
sobrang galit na galit
galit sa mataas na kuryentet tubig
langis pagkain at sa sahod na kayliit
todo galit na galit
galit sa gyerang dinidikta ng US
dulot sa taong bayan ay puro pasakit
ng lumabas ang balita sa radyo tv pati na rin sa dyaryo
na hindi na tatakbo sa pagkapangulo si gloria macapagal arroyo
ginulat ang sambayanan sa deklara nyang kailan lang sakripisyo raw para sa bayan
maliwanag na ito ay isang paglilinlang upang mapagtakpan ang kasalanan
pagkukulang kamalian kabiguan
masa'y galit na galit
galit sa inutil na pangulong gloria
gobyernong kahirapan
ang sa bayay hatid
sobrang galit na galit
galit sa mataas na kuryente't tubig
langis pagkain at sa sahod na kayliit
todo galit na galit
galit sa gyerang dinidikta ng US
dulot sa taong bayan ay puro pasakit
ngayoy nararamdamang di ka uubra sa eleksyon sa 2004
sulsol nitong kasabwat mong si de venecia
lutuin ang cha cha cha
ngayoy nararamdamang di ka uubra sa eleksyon sa 2004
sulsol nitong kasabwat mong si de venecia
lutuin ang cha cha cha
masa'y galit na galit
galit sa inutil na pangulong gloria
gobyernong kahirapan
ang sa bayay hatid
sobrang galit na galit
galit sa mataas na kuryente't tubig
langis pagkain at sa sahod na kayliit
todo galit na galit
galit sa gyerang dinidikta ng US
dulot sa taong bayan ay puro pasakit
masa'y galit na galit
galit sa inutil na pangulong gloria
gobyernong kahirapan
ang sa bayay hatid
sobrang galit na galit
galit sa mataas na kuryente't tubig
langis pagkain at sa sahod na kayliit
todo galit na galit
galit sa gyerang dinidikta ng US
dulot sa taong bayan ay puro pasakit
sobrang galit na galit
bayay nanawagang magresign na sa pwesto
kundi ikaw gloria ay mapapatalsik
sobrang galit na galit
bayay nanawagang magresign na sa pwesto
kundi ikaw gloria ay mapapatalsik
bayay nagkaisang patalsikin ang pangulo sa pwesto
sa tindi ng protesta napilitan ang kongreso at nilitis ng senado
bumuhos ang mga protesta pinatalsik si estrada
at si gloria'y instant presidente
pinaasa sambayanan mula sa hirap ng buhay
magkakaroon ng pagbabagot giginhawa
ngunit masa'y walang glorya nagdurusa
masa'y galit na galit
galit sa inutil na pangulong gloria
gobyernong kahirapan
ang sa bayay hatid
sobrang galit na galit
galit sa mataas na kuryentet tubig
langis pagkain at sa sahod na kayliit
todo galit na galit
galit sa gyerang dinidikta ng US
dulot sa taong bayan ay puro pasakit
ng lumabas ang balita sa radyo tv pati na rin sa dyaryo
na hindi na tatakbo sa pagkapangulo si gloria macapagal arroyo
ginulat ang sambayanan sa deklara nyang kailan lang sakripisyo raw para sa bayan
maliwanag na ito ay isang paglilinlang upang mapagtakpan ang kasalanan
pagkukulang kamalian kabiguan
masa'y galit na galit
galit sa inutil na pangulong gloria
gobyernong kahirapan
ang sa bayay hatid
sobrang galit na galit
galit sa mataas na kuryente't tubig
langis pagkain at sa sahod na kayliit
todo galit na galit
galit sa gyerang dinidikta ng US
dulot sa taong bayan ay puro pasakit
ngayoy nararamdamang di ka uubra sa eleksyon sa 2004
sulsol nitong kasabwat mong si de venecia
lutuin ang cha cha cha
ngayoy nararamdamang di ka uubra sa eleksyon sa 2004
sulsol nitong kasabwat mong si de venecia
lutuin ang cha cha cha
masa'y galit na galit
galit sa inutil na pangulong gloria
gobyernong kahirapan
ang sa bayay hatid
sobrang galit na galit
galit sa mataas na kuryente't tubig
langis pagkain at sa sahod na kayliit
todo galit na galit
galit sa gyerang dinidikta ng US
dulot sa taong bayan ay puro pasakit
masa'y galit na galit
galit sa inutil na pangulong gloria
gobyernong kahirapan
ang sa bayay hatid
sobrang galit na galit
galit sa mataas na kuryente't tubig
langis pagkain at sa sahod na kayliit
todo galit na galit
galit sa gyerang dinidikta ng US
dulot sa taong bayan ay puro pasakit
sobrang galit na galit
bayay nanawagang magresign na sa pwesto
kundi ikaw gloria ay mapapatalsik
sobrang galit na galit
bayay nanawagang magresign na sa pwesto
kundi ikaw gloria ay mapapatalsik
pagbabalikwas
luhay pawiin na inang pilipinas
pagkat sa bukirin ngayoy namamalas
mamamayang pilit ginupo ng dahas
pawang nakatindig at may hawak na armas
ang mga pasakit pilit na kinakalas
mapagsamantalay alisan ng lakas.
dugong magsasakang datiy idinilig
sa yong larangan daloy pa ay kilig
sa panahon itoy nagsisilbing bisig
ng mga manggagawang sya ngayong may tinig
sa bagong kilusan sa buong daigdig
na siyang magpapatid ng kadena sa bisig.
masdan mo ang parang sa yong paligid
lahat ay nariyan anak mo kapatid
sa kawing ng imperialistang ganid
hanggang ang demokrasya maitayo ng tuwid
wag ka ng malumbay inang pilipinas
kahit na may ilang anak kang malagas
moog nating bakal na kubling likuran
ang mga kabukirin ay isang katiyakan
uring mapang apiy ating ibabagsak
at mailalatag ang mapulang bukas.
masdan mo ang parang sa yong paligid
lahat ay nariyan anak mo kapatid
sa kawing ng imperialistang ganid
hanggang ang demokrasya maitayo ng tuwid
wag ka ng malumbay inang pilipinas
kahit na may ilang anak kang malagas
moog nating bakal na kubling likuran
ang mga kabukirin ay isang katiyakan
uring mapang apiy ating ibabagsak
at mailalatag ang mapulang bukas.
pagkat sa bukirin ngayoy namamalas
mamamayang pilit ginupo ng dahas
pawang nakatindig at may hawak na armas
ang mga pasakit pilit na kinakalas
mapagsamantalay alisan ng lakas.
dugong magsasakang datiy idinilig
sa yong larangan daloy pa ay kilig
sa panahon itoy nagsisilbing bisig
ng mga manggagawang sya ngayong may tinig
sa bagong kilusan sa buong daigdig
na siyang magpapatid ng kadena sa bisig.
masdan mo ang parang sa yong paligid
lahat ay nariyan anak mo kapatid
sa kawing ng imperialistang ganid
hanggang ang demokrasya maitayo ng tuwid
wag ka ng malumbay inang pilipinas
kahit na may ilang anak kang malagas
moog nating bakal na kubling likuran
ang mga kabukirin ay isang katiyakan
uring mapang apiy ating ibabagsak
at mailalatag ang mapulang bukas.
masdan mo ang parang sa yong paligid
lahat ay nariyan anak mo kapatid
sa kawing ng imperialistang ganid
hanggang ang demokrasya maitayo ng tuwid
wag ka ng malumbay inang pilipinas
kahit na may ilang anak kang malagas
moog nating bakal na kubling likuran
ang mga kabukirin ay isang katiyakan
uring mapang apiy ating ibabagsak
at mailalatag ang mapulang bukas.
sumulong ka anakpawis
sumulong na anakpawis
wag alintanain ang sugat sa dibdib
wala ng ibang makalulunas
sa yong mga paghihirap
kundi ikaw sa yong mga palad.
kung tayo may malalagasan
tibayan mo ang kalooban
sapagkat nasa atin ang tiwala
ng buong sambayanan.
sumulong ka anakpawis
wag alintanain ang sugat sa dibdib
wala ng ibang makalulunas
sa yong mga paghihirap
kundi ikaw sa yong mga palad.
wag alintanain ang sugat sa dibdib
wala ng ibang makalulunas
sa yong mga paghihirap
kundi ikaw sa yong mga palad.
kung tayo may malalagasan
tibayan mo ang kalooban
sapagkat nasa atin ang tiwala
ng buong sambayanan.
sumulong ka anakpawis
wag alintanain ang sugat sa dibdib
wala ng ibang makalulunas
sa yong mga paghihirap
kundi ikaw sa yong mga palad.
mendiola
mabuhay ay langit sa sariling bayan
kung ang sambayanan ay may kalayaan
umaga ay tula ng kaligayahan
at ang dapit hapoy awit kung pakinggan
inang bayan kahit may piring ang mata
may busal ang bibig, may takip ang taynga
may gapos ang kamay ng lupang kadena
hanap ay paglaya sa daang mendiola
taas ang kamao tanda ng paglaban
daanglibong anak pagtutol ang sigaw
putok ng armalite sagot ng kaaway
ang akala yata'y uurong ang bayan
nagliliwayway na mapula ang langit
ang bayang inapi ngayoy nakatindig
pag ibig ay lalong sumigasig
sa daang mendiola
tagumpay ang awit.
kung ang sambayanan ay may kalayaan
umaga ay tula ng kaligayahan
at ang dapit hapoy awit kung pakinggan
inang bayan kahit may piring ang mata
may busal ang bibig, may takip ang taynga
may gapos ang kamay ng lupang kadena
hanap ay paglaya sa daang mendiola
taas ang kamao tanda ng paglaban
daanglibong anak pagtutol ang sigaw
putok ng armalite sagot ng kaaway
ang akala yata'y uurong ang bayan
nagliliwayway na mapula ang langit
ang bayang inapi ngayoy nakatindig
pag ibig ay lalong sumigasig
sa daang mendiola
tagumpay ang awit.
dakilang hamon
sindihan nating muli
ang sulu ng karunungan
muling pag alabin ang diwa ng himagsikan
apoy ng mga larangan ay paglagablabin
itoy dakilang hamon
paninindigan natin
sa lupang ito
ating madarama
nagngangalit na init ng pakikibaka
apoy na nagdadalit
na pilit tinumba
ang buhos ng ulan
ito ang pag asa
saan mang magtungoy
may gapok ang masa
kailangan laging gatungan
ang natirang pag asa
ang naiwang baga ay pagliyabin
itoy dakilang hamon
sindihan nating muli ang sulu ng karunungan
muling pag alabin ang diwa ng himagsikan
apoy ng mga larangan ay paglagablabin
itoy dakilang hamon
paninindigan natin
at kung muling bubuhos ang ulan
at ang ating suloy tangkaing sumpungan
ang dampa ng masa ang ating kanlungan
apoy sa kanyang pusoy ating kailangan
at sa paglipas ng buhos ng ulan
ating mamasdan ang mga larangan
malayang sisikat ang araw sa silangan
wala nang hahadlang sa kalayaan
sindihan nating muli ang sulu ng karunungan
muling pag alabin ang diwa ng himagsikan
apoy ng mga larangan ay paglagablabin
itoy dakilang hamon
paninindigan natin
itoy dakilang hamon
paninindigan natin
ang sulu ng karunungan
muling pag alabin ang diwa ng himagsikan
apoy ng mga larangan ay paglagablabin
itoy dakilang hamon
paninindigan natin
sa lupang ito
ating madarama
nagngangalit na init ng pakikibaka
apoy na nagdadalit
na pilit tinumba
ang buhos ng ulan
ito ang pag asa
saan mang magtungoy
may gapok ang masa
kailangan laging gatungan
ang natirang pag asa
ang naiwang baga ay pagliyabin
itoy dakilang hamon
sindihan nating muli ang sulu ng karunungan
muling pag alabin ang diwa ng himagsikan
apoy ng mga larangan ay paglagablabin
itoy dakilang hamon
paninindigan natin
at kung muling bubuhos ang ulan
at ang ating suloy tangkaing sumpungan
ang dampa ng masa ang ating kanlungan
apoy sa kanyang pusoy ating kailangan
at sa paglipas ng buhos ng ulan
ating mamasdan ang mga larangan
malayang sisikat ang araw sa silangan
wala nang hahadlang sa kalayaan
sindihan nating muli ang sulu ng karunungan
muling pag alabin ang diwa ng himagsikan
apoy ng mga larangan ay paglagablabin
itoy dakilang hamon
paninindigan natin
itoy dakilang hamon
paninindigan natin
panata sa sosyalismo
di tayo titigil
hanggat di nagwawagi
ang ating mithiing magkapantay pantay
walang magsasamantala
walang mang aapi
yan ang sandigan ng ating pamumuhay
ihahakbang natin ang bagong kaisipan
ng pinakasulong na uri ng lipunan
mananaig ang diwa ng proletaryo
bawat hakbang natin
patungong sosyalismo
magbabago ang paggamit ng ating makina
hindi na gagamitin sa pagsasamantala
ating yayariin
atin lamang gagamitin
walang patutunguhan sa ating lilikhain
pasya ng karamihan
ay ating lilikumin
agad na tutupdin ng walang alinlangan
babaguhin ng proletaryo ang buong mundo
bawat hakbang natin patungong sosyalismo
di tayo titigil
hanggat di nagwawagi
ang ating mithiing magkapantay pantay
walang magsasamantala
walang mang aapi
yan ang sandigan ng ating pamumuhay.
hanggat di nagwawagi
ang ating mithiing magkapantay pantay
walang magsasamantala
walang mang aapi
yan ang sandigan ng ating pamumuhay
ihahakbang natin ang bagong kaisipan
ng pinakasulong na uri ng lipunan
mananaig ang diwa ng proletaryo
bawat hakbang natin
patungong sosyalismo
magbabago ang paggamit ng ating makina
hindi na gagamitin sa pagsasamantala
ating yayariin
atin lamang gagamitin
walang patutunguhan sa ating lilikhain
pasya ng karamihan
ay ating lilikumin
agad na tutupdin ng walang alinlangan
babaguhin ng proletaryo ang buong mundo
bawat hakbang natin patungong sosyalismo
di tayo titigil
hanggat di nagwawagi
ang ating mithiing magkapantay pantay
walang magsasamantala
walang mang aapi
yan ang sandigan ng ating pamumuhay.
manggagawang pangkultura
tayo na manggagawang pangkultura
tayo na sa hanay ng masa
sarili ay pandayin
sining moy likhain
sa gitna ng pakikibaka
bawat hagod ng pinsel
sa landas ng buhay
ang bukas ay gawing makulay
tapang at kagitingan
ng mga mamamayan
ay ating isalarawan
ang gitaray tugtugin
mga tinig ay lakasan
gisingin ang aping bayan
at ating pasiglahin ang pakikidigma
sa awit ng paglaya
tayo na manggagawang pangkultura
tayo na sa hanay ng masa
sarili ay pandayin
sining moy likhain
sa gitna ng pakikibaka
ang panulat ay sulu
na tanglaw sa dilim
pagsilbihing gabay natin
sa kuwento at tula
ay bigyang halaga
manggagawat magsasaka
ang pag arte at sayaw
mga kilos at galaw
halawin sa karanasan
sa pangalan ng digma
bawat tunggalian
ng uriy pag aralan
tayo na manggagawang pangkultura
tayo na sa hanay ng masa
sarili ay pandayin
sining moy likhain
sa gitna ng pakikibaka
sarili ay pandayin
sining moy likhain
sa gitna ng pakikibaka
tayo na sa hanay ng masa
sarili ay pandayin
sining moy likhain
sa gitna ng pakikibaka
bawat hagod ng pinsel
sa landas ng buhay
ang bukas ay gawing makulay
tapang at kagitingan
ng mga mamamayan
ay ating isalarawan
ang gitaray tugtugin
mga tinig ay lakasan
gisingin ang aping bayan
at ating pasiglahin ang pakikidigma
sa awit ng paglaya
tayo na manggagawang pangkultura
tayo na sa hanay ng masa
sarili ay pandayin
sining moy likhain
sa gitna ng pakikibaka
ang panulat ay sulu
na tanglaw sa dilim
pagsilbihing gabay natin
sa kuwento at tula
ay bigyang halaga
manggagawat magsasaka
ang pag arte at sayaw
mga kilos at galaw
halawin sa karanasan
sa pangalan ng digma
bawat tunggalian
ng uriy pag aralan
tayo na manggagawang pangkultura
tayo na sa hanay ng masa
sarili ay pandayin
sining moy likhain
sa gitna ng pakikibaka
sarili ay pandayin
sining moy likhain
sa gitna ng pakikibaka
O Julian
isinilang ka sa batis ng karalitaan
ipinaghele ka sa awit ng bundok at parang
duyan mo ay malaki na lupa
lupang pugad ng kahirapan
lumaki ka sa pag inog ng tagtanim at tag ani
inaruga ka ng inang magsasaka
kinalong ka ng amang dugo ang pinunla
sa dibdib ng lupa
sa dibdib ng lupa
o julian di ka malilimutan
pagkat ikay anak ng bayan
buhay moy aming aawitan
itatangi hanggang kamatayan
pilit mong inunawa ang abang kalagayan
pilit mo itong pinag ibsan
ngunit ng maglaon
ikaw na rin ang sumigaw
saan nga bang kasukdulan?
saan nga bang kasukdulan?
o julian di ka malilimutan
pagkat ikay anak ng bayan
buhay moy aming aawitan
itatangi hanggang kamatayan
itatangi hanggang kamatayan
itatangi hanggang kamatayan!
ipinaghele ka sa awit ng bundok at parang
duyan mo ay malaki na lupa
lupang pugad ng kahirapan
lumaki ka sa pag inog ng tagtanim at tag ani
inaruga ka ng inang magsasaka
kinalong ka ng amang dugo ang pinunla
sa dibdib ng lupa
sa dibdib ng lupa
o julian di ka malilimutan
pagkat ikay anak ng bayan
buhay moy aming aawitan
itatangi hanggang kamatayan
pilit mong inunawa ang abang kalagayan
pilit mo itong pinag ibsan
ngunit ng maglaon
ikaw na rin ang sumigaw
saan nga bang kasukdulan?
saan nga bang kasukdulan?
o julian di ka malilimutan
pagkat ikay anak ng bayan
buhay moy aming aawitan
itatangi hanggang kamatayan
itatangi hanggang kamatayan
itatangi hanggang kamatayan!
Kandila
kandila sa gitna ng kadiliman
ang hawak mo sa yong mga kamay
umaasang ikay makakakita
sa pamamagitan ng liwanag nyang taglay
di ka dapat matakot sa pagdilim
mayron kang kandila
ito ay gamitin
at ang yong paroroonan ay iyong makikita
ilaw na dulot ng ibang kandila
tumatawag pansin tumutugon
bawat mga bituin na nasa lupa
malayo may nais mo pang abutin
halinat lakbayin hanggang silay makasama
hanggang sa magtipon lahat ng kandila
at ang yong paroroonan ay iyong makikita
ilaw na dulot ng ibang kandila
tumatawag pansin tumutugon
bawat mga bituin na nasa lupa
malayo may nais mo pang abutin
halinat lakbayin hanggang silay makasama
hanggang sa magtipon lahat ng kandila
at ang yong paroroonan ay iyong makikita
ang hawak mo sa yong mga kamay
umaasang ikay makakakita
sa pamamagitan ng liwanag nyang taglay
di ka dapat matakot sa pagdilim
mayron kang kandila
ito ay gamitin
at ang yong paroroonan ay iyong makikita
ilaw na dulot ng ibang kandila
tumatawag pansin tumutugon
bawat mga bituin na nasa lupa
malayo may nais mo pang abutin
halinat lakbayin hanggang silay makasama
hanggang sa magtipon lahat ng kandila
at ang yong paroroonan ay iyong makikita
ilaw na dulot ng ibang kandila
tumatawag pansin tumutugon
bawat mga bituin na nasa lupa
malayo may nais mo pang abutin
halinat lakbayin hanggang silay makasama
hanggang sa magtipon lahat ng kandila
at ang yong paroroonan ay iyong makikita
BUSABOS NG PUHUNAN
kayong sa gabit araw
ay laging nagpapagal
kayong sa bawat oras
yaman ang iniluluwal
bumubuhay sa puhunan
at sistemang sa inyoy nagsakdal
sa hukuman ng mayaman
hinatulang tamad at hangal
kayong pinarusahang maapi habang buhay
magsilbi at pakainin at bigyan ng karangyaan
parasitikong naghahari sa lipunang kinasadlakan
ng yong uri na ang sala manggagawa ng isinilang.
ito ay hindi kapalarang sinabi ng hari at paham
hindi kapalaran, hindi rin pagsubok
na sinasabi ng simbahan
ito ay isang kalagayang sinadyang sa inyo ay gawin
na dapat wasakin at dapat baguhin
ito ang inyong tungkulin
wala nang aasahang katarungang daratal
hanggat sa ating batas
ang salapiy mas matimbang
sa dangal at katwiran
at sa buhay nyot karapatan
na malaon nang niyurakan ng panginoong may kapital
ito ay hindi kapalarang sinabi ng hari at paham
hindi kapalaran, hindi rin pagsubok
na sinasabi ng simbahan
ito ay isang kalagayang sinadyang sa inyo ay gawin
na dapat wasakin at dapat baguhin
ito ang inyong tungkulin2x
makasaysayang tungkulin!
ay laging nagpapagal
kayong sa bawat oras
yaman ang iniluluwal
bumubuhay sa puhunan
at sistemang sa inyoy nagsakdal
sa hukuman ng mayaman
hinatulang tamad at hangal
kayong pinarusahang maapi habang buhay
magsilbi at pakainin at bigyan ng karangyaan
parasitikong naghahari sa lipunang kinasadlakan
ng yong uri na ang sala manggagawa ng isinilang.
ito ay hindi kapalarang sinabi ng hari at paham
hindi kapalaran, hindi rin pagsubok
na sinasabi ng simbahan
ito ay isang kalagayang sinadyang sa inyo ay gawin
na dapat wasakin at dapat baguhin
ito ang inyong tungkulin
wala nang aasahang katarungang daratal
hanggat sa ating batas
ang salapiy mas matimbang
sa dangal at katwiran
at sa buhay nyot karapatan
na malaon nang niyurakan ng panginoong may kapital
ito ay hindi kapalarang sinabi ng hari at paham
hindi kapalaran, hindi rin pagsubok
na sinasabi ng simbahan
ito ay isang kalagayang sinadyang sa inyo ay gawin
na dapat wasakin at dapat baguhin
ito ang inyong tungkulin2x
makasaysayang tungkulin!
Tagumpay
Kahit kayhaba ng lalakbayin
daang tag araw man ang humagupit
kahit ilang libong tag ulan ang sumapit
hinding hindi tayo titigil
dahil mithi natiy palayain
bawat isa sa pagkaalipin
sa gitna man ng gutom
kahirapat pasakit
hinding hindi tayo susuko
chorus:
kahit na may bagyo,
kahit na may unos,
kahit may libo libong kaaway
kahit na magapi
at isa ang matira
sa ating dakilang hanay
tayong manggagawa
at magsasaka
sambayanan ay muling babangon
ipagtatagumpay
ang bawat labanan
sa buong daigdig!
kahit hadlangan ng libong armas
ang ating hukbo ay hindi aatras
lakas ng masa ang ating sandigan
saan mang larangat digmaan
kahit na may bagyo,
kahit na may unos,
kahit may libo libong kaaway
kahit na magapi
at isa ang matira
sa ating dakilang hanay
tayong manggagawa
at magsasaka
sambayanan ay muling babangon
ipagtatagumpay
ang bawat labanan
sa buong daigdig!2x
ipagtatagumpay
ang bawat labanan
sa buong daigdig!
daang tag araw man ang humagupit
kahit ilang libong tag ulan ang sumapit
hinding hindi tayo titigil
dahil mithi natiy palayain
bawat isa sa pagkaalipin
sa gitna man ng gutom
kahirapat pasakit
hinding hindi tayo susuko
chorus:
kahit na may bagyo,
kahit na may unos,
kahit may libo libong kaaway
kahit na magapi
at isa ang matira
sa ating dakilang hanay
tayong manggagawa
at magsasaka
sambayanan ay muling babangon
ipagtatagumpay
ang bawat labanan
sa buong daigdig!
kahit hadlangan ng libong armas
ang ating hukbo ay hindi aatras
lakas ng masa ang ating sandigan
saan mang larangat digmaan
kahit na may bagyo,
kahit na may unos,
kahit may libo libong kaaway
kahit na magapi
at isa ang matira
sa ating dakilang hanay
tayong manggagawa
at magsasaka
sambayanan ay muling babangon
ipagtatagumpay
ang bawat labanan
sa buong daigdig!2x
ipagtatagumpay
ang bawat labanan
sa buong daigdig!
Pinggan
Nais kong isalaysay
ang yaring kasaysayan
ng dalawang magkaibigan
ang kwento ni Juan at ni Sam
Itong si Sam ay dumayo
sa bayan ni Juan katutubo
dala dala niyay plato
na wala namang laman kahit ano
Si Jua'y kanyang kinaibigan
gumawa pa siya ng kasunduan
sabi ni Sam sagot niya ang pinggan
si Juan naman daw ang bahala sa laman
Nang mapuno na itong pinggan
na handa na sanang paghatian
nawala ang pinggan kasama ang laman
ninakaw ng tusong si Sam
Dahil ang pangyayari'y di nakita ni Juan
kunwari'y nagalit pa itong si Sam
dapat daw ay bayaran ang nawawalang pinggan
kawawang si Juan nabaon sa utang
Nang malapit nang mabayaran ni Juan
ang sanhi ng pagkakautang
pagnanakaw ay muling inulit ni Sam
subalit nakita ni Juan
Nang dahil sa nakita'y nagalit si Juan
kumulo ang dugo pumutok na parang bulkan
nang dahil sa nakita'y nagalit sa Juan
pinggan ay binasag sa ulo ni Sam!
ang yaring kasaysayan
ng dalawang magkaibigan
ang kwento ni Juan at ni Sam
Itong si Sam ay dumayo
sa bayan ni Juan katutubo
dala dala niyay plato
na wala namang laman kahit ano
Si Jua'y kanyang kinaibigan
gumawa pa siya ng kasunduan
sabi ni Sam sagot niya ang pinggan
si Juan naman daw ang bahala sa laman
Nang mapuno na itong pinggan
na handa na sanang paghatian
nawala ang pinggan kasama ang laman
ninakaw ng tusong si Sam
Dahil ang pangyayari'y di nakita ni Juan
kunwari'y nagalit pa itong si Sam
dapat daw ay bayaran ang nawawalang pinggan
kawawang si Juan nabaon sa utang
Nang malapit nang mabayaran ni Juan
ang sanhi ng pagkakautang
pagnanakaw ay muling inulit ni Sam
subalit nakita ni Juan
Nang dahil sa nakita'y nagalit si Juan
kumulo ang dugo pumutok na parang bulkan
nang dahil sa nakita'y nagalit sa Juan
pinggan ay binasag sa ulo ni Sam!
O Mutyang Inang Bayan
o mutyang inang bayan
luha mo ay pahiran
kaming iyong mga anak
tuloy sa paglaban
tahan na amiing mutya
di dapat na malumbay
ang kanyang pagkamatay
dahil sa yo inay
masdan mo ang yong paligid
tumigil na ang pananangis
ang pighati naming lahat
tapang ang pumalit
tulad ng aming kapatid
na nagbuwis na ng buhay
ang buhay naming lahat
sa yo inay alay
sa amin man ay may muling mabuwal
may hahalili pang mga kawal
di nila mauubos
kaming mamamayan
masdan mo inang bayan
pulang araw sa silangan
iya'y tanda ng pag asa
ng kalayaan
masdan mo ang yong paligid
tumigil na ang pananangis
ang pighati naming lahat
tapang ang pumalit
tulad ng aming kapatid
na nagbuwis na ng buhay
ang buhay naming lahat
sa yo inay alay
sa amin man ay may muling mabuwal
may hahalili pang mga kawal
di nila mauubos
kaming mamamayan
masdan mo inang bayan
pulang araw sa silangan
[iya'y tanda ng pag asa
ng kalayaan] 2x
luha mo ay pahiran
kaming iyong mga anak
tuloy sa paglaban
tahan na amiing mutya
di dapat na malumbay
ang kanyang pagkamatay
dahil sa yo inay
masdan mo ang yong paligid
tumigil na ang pananangis
ang pighati naming lahat
tapang ang pumalit
tulad ng aming kapatid
na nagbuwis na ng buhay
ang buhay naming lahat
sa yo inay alay
sa amin man ay may muling mabuwal
may hahalili pang mga kawal
di nila mauubos
kaming mamamayan
masdan mo inang bayan
pulang araw sa silangan
iya'y tanda ng pag asa
ng kalayaan
masdan mo ang yong paligid
tumigil na ang pananangis
ang pighati naming lahat
tapang ang pumalit
tulad ng aming kapatid
na nagbuwis na ng buhay
ang buhay naming lahat
sa yo inay alay
sa amin man ay may muling mabuwal
may hahalili pang mga kawal
di nila mauubos
kaming mamamayan
masdan mo inang bayan
pulang araw sa silangan
[iya'y tanda ng pag asa
ng kalayaan] 2x
Luha'y Pawiin
Luha'y pawiin na inang Pilipinas
pagkat sa bukirin ngayoy namamalas
mamayang pilit ginupo ng dahas
pawang nakatindig at may hawak na armas
ang mga pasakit pilit na kinakalas
mapagsamantalay alisan ng lakas
Dugong magsasakang dati'y idinilig
sa yong larangan daloy pa ay dinig
sa panahong ito'y nagsisilbing bisig
ng mga manggagawang siya ngayong may tinig
sa bagong kilusan sa buong daigdig
na siyang magpapatid ng kadena sa bisig
Masdan mo ang parang sa yong paligid
lahat ay nariyan anak mo ang papatid
sa kawing ng imperyalistang ganid
hanggang ang demokrasyay maitayo ng tuwid
Wag ka nang malumbay inang pilipinas
kahit na may ilang anak kang malagas
moog nating bakal na kubling likuran
ang mga bukirin ay isang katiyakan
Uring mapang api'y ating maibabagsak
at mailalatag ang mapulang bukas
Masdan mo ang parang sa yong paligid
lahat ay nariyan anak mo ang papatid
sa kawing ng imperyalistang ganid
hanggang ang demokrasyay maitayo ng tuwid
Wag ka nang malumbay inang pilipinas
kahit na may ilang anak kang malagas
moog nating bakal na kubling likuran
ang mga bukirin ay isang katiyakan
Uring mapang api'y ating maibabagsak
at mailalatag ang mapulang bukas.
pagkat sa bukirin ngayoy namamalas
mamayang pilit ginupo ng dahas
pawang nakatindig at may hawak na armas
ang mga pasakit pilit na kinakalas
mapagsamantalay alisan ng lakas
Dugong magsasakang dati'y idinilig
sa yong larangan daloy pa ay dinig
sa panahong ito'y nagsisilbing bisig
ng mga manggagawang siya ngayong may tinig
sa bagong kilusan sa buong daigdig
na siyang magpapatid ng kadena sa bisig
Masdan mo ang parang sa yong paligid
lahat ay nariyan anak mo ang papatid
sa kawing ng imperyalistang ganid
hanggang ang demokrasyay maitayo ng tuwid
Wag ka nang malumbay inang pilipinas
kahit na may ilang anak kang malagas
moog nating bakal na kubling likuran
ang mga bukirin ay isang katiyakan
Uring mapang api'y ating maibabagsak
at mailalatag ang mapulang bukas
Masdan mo ang parang sa yong paligid
lahat ay nariyan anak mo ang papatid
sa kawing ng imperyalistang ganid
hanggang ang demokrasyay maitayo ng tuwid
Wag ka nang malumbay inang pilipinas
kahit na may ilang anak kang malagas
moog nating bakal na kubling likuran
ang mga bukirin ay isang katiyakan
Uring mapang api'y ating maibabagsak
at mailalatag ang mapulang bukas.
Ibong Malaya
Minsang ako'y dumungaw
aking napagmasdan
ang sikat ng araw
sa dakong silangan
aliwalas ang langit
at aking natanaw
isang kawan ng ibong malayang lumilipad
kung ang ibo'y hinuli
saka ikinulong
ligaya'y maglalaho
lungkot ay lalambong
ginto man ang hawla
laya rin ang hanap
bagwis ma'y malagas
pilit na lilikas
Pagkat tao ay tulad rin ng ibon
may bagwis sa paglayang kanyang layon
kahit may kadena at harang na rehas
pilit na mag aalpas
Masdan ang daloy ng tubig sa batis ng gubat
hindi ito matutuyo
bukal nitoy likas
mumunting agos na sa ilog
magtitipong lakas
tiyak na mararating
ang inang dagat
kung ang daloy ng tubig
pilit na sagkaan
taasan man ang harang
hahanap ng daan
tubig na naipo'y higit na lalakas
tibayan man ang harang sa huli'y sasambulat
pagkat ang tao ay tulad rin ng ilog
sa pagsulong niya'y hindi rin tutukod
wawasakin ang lahat ng balakid
upang laya'y makamit.
upang laya'y makamit
upang laya'y makamit.
aking napagmasdan
ang sikat ng araw
sa dakong silangan
aliwalas ang langit
at aking natanaw
isang kawan ng ibong malayang lumilipad
kung ang ibo'y hinuli
saka ikinulong
ligaya'y maglalaho
lungkot ay lalambong
ginto man ang hawla
laya rin ang hanap
bagwis ma'y malagas
pilit na lilikas
Pagkat tao ay tulad rin ng ibon
may bagwis sa paglayang kanyang layon
kahit may kadena at harang na rehas
pilit na mag aalpas
Masdan ang daloy ng tubig sa batis ng gubat
hindi ito matutuyo
bukal nitoy likas
mumunting agos na sa ilog
magtitipong lakas
tiyak na mararating
ang inang dagat
kung ang daloy ng tubig
pilit na sagkaan
taasan man ang harang
hahanap ng daan
tubig na naipo'y higit na lalakas
tibayan man ang harang sa huli'y sasambulat
pagkat ang tao ay tulad rin ng ilog
sa pagsulong niya'y hindi rin tutukod
wawasakin ang lahat ng balakid
upang laya'y makamit.
upang laya'y makamit
upang laya'y makamit.
Thursday, October 13, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)